Ayon kay Bucor spokesperson Gabriel Chaclag kapag nag-negatibo sa COVID 19 si Sanchez agad na isasagawa ang autopsy.
Ngunit kung positibo, agad ike-cremate ang mga labi ng dating alkalde, na ngayon ay nasa pag-iingat na ng kanyang naulilang pamilya.
Idineklarang dead on arrival si Sanchez sa NBP Hospital noong Sabado ng umaga matapos matagpuan ng kanyang mga kakosa na walang malay sa loob ng kanyang selda.
Huling nakita siyang buhay gabi ng Biyernes habang inaayos ang kanyang higaan.
Sinabi pa ni Chaclag na walang senyales ng foul play sa pagkamatay ni Sanchez, na may chronic kidney disease, hypertension, gastro enteritis, prostate issue at asthma.
Nahatulan si Sanchez ng habambuhay ng pagkabilanggo matapos litisin sa kasong rape with homicide kaugnay sa pagpatay kina UP Lo Banos students Eileen Sarmenta at boyfriend nitong si Allan Gomez noong 1993.