Ayon kay Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang paglalagay na naman sa ECQ ng NCR plus ay patunay lamang ng kapalpakan ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa pandemya.
Aniya, mauulit lamang ang inefficient at ineffective lockdowns noong nakaraang taon dahil hindi naman tinutugunan ng gobyerno ang panawagan para sa mass testing, agresibong contact tracing at agarang isolation at gamutan sa mga nagkakasakit ng COVID-19.
Para naman kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, sa halip na “Holy Week” ay magiging “Horror Weak” ang isang linggong penitensya lalo na sa mga mapipilitang magsara ng negosyo, tumigil sa trabaho at mga informal workers na may limitado lamang na kita.
Nababahala naman sina Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat dahil walang maibigay na kasiguraduhan ang gobyerno para sa ayuda ng mga mahihirap na aabutin nanaman ng gutom sa panibagong pagpapatupad ng ECQ.