Dating Pangulong Erap tinamaan ng COVID 19, isinugod sa ospital

Dinala sa ospital si dating Pangulong Joseph Estrada kagabi.

Ayon kay dating Sen. Jinggoy Estrada kumpirmado na tinamaan ng COVID 19 ang kanyang ama at minabuti na dalhin na ito sa ospital matapos magreklamo ng panghihina.

“Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking ama, na si dating Pangulong Joseph Estrada, ay isinugod namin sa ospital kagab sa kadahilanan ng panghihina ng kanyang katawan,” ang post ng dating senador sa kanyang Facebook account.

Sinabi nito na ‘stable’ naman ang kondisyon ng dating pangulo.

Gayunpaman, humihingi sila sa publiko ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng 83-anyos na dating pangulo.

 

Read more...