Staycation sa mga hotel at resorts na nasa ilalim ng ECQ sinuspinde ng DOT

Sinuspinde na ng Department of Tourism ang staycation ngayong mahal na araw sa mga hotel sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ang NCR plus.

Sa ilalim ng inilabas na interim guidelines ng DOT para sa mga hotels, resorts, apartment hotels, motels at kaperehong establisemento, ipinapahinto nito ang operasyon ng mga ito para sa staycation ng mga guest sa NCR, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan simula 12:01 ng March 29, 2021 hanggang hating-gabi ng April 4, 2021.

Gayunman, ang mga guests na naka check-in na sa madaling-araw ng Lunes ay hindi kailangang paalisin at maari ng mga itong ipagpatuloy ang kanilang original booking.

Hindi naman maaring tumanggap ng mga bagong booking sa loob ng isang linggo na ipinapairal ang ECQ.

Ang mga regular hotels naman na nasa ilalim ECQ at modified ECQ ay maaring tumanggap ng mga guest na long-term ang pananatili, locally stranded individuals o iyong mga babyahe patungo sa kanilang mga tirahan at authorized persons outside of residence.

Hinikayat din ng kagawaran ang mga accredited establishments sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum health at safety protocols para maiwasan ang multa, suspension at cancellation of accreditation.

 

Read more...