Smoke-Free Environment isinusulong ng ACT-CIS partylist

Photo from Congress website

Isinusulong ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ang pagsusulong ng Unity for Smoke-Free Environment.

Sa ilalim ng House Bill 8763 o Smoke-Free Environment Act, layunin nito na amyendahan ang ilang probisyon na nakasaad sa Republic Act RA 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003.

Partikular na pinatatanggal ni Taduran ang probisyon ng indoor Designated Smoking Areas (DSAs).

Nais din ng mambabatas na siguraduhin na ang 3% alokasyon sa Local Health Budget ay mailalaan sa tobacco-control programs and policies sa local levels.

“Ayon po sa isang pag-aaral, isang daan at sampung libong (110,000) mga Filipino ang namamatay taon-taon dahil sa mga sakit na may kinalaman sa tobacco.  Ayon naman po sa Global Youth and Adult Tobacco Survey, 21.5% ng mga Filipinong nakalalanghap ng secondhand smoke sa mga opisina, workplaces, at iba pang enclosed spaces ay mga matatanda, samantalang 54.2% naman ay kabataan”, pahayag ni Taduran.

Agad naman na sinuportahan ni  Dr. Mel Anthony Acauvera, ng Department of Health ang panukala ni Taduran na Smoke-Free Environment bill.

 

Read more...