Dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez pumanaw na

Pumanaw na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon sa pahayag ng Bureau of Corrections, bandang 7:00 kaninang umaga nang matagpuang unresponsive si Sanchez.

Agad na isinugod sa National Bilibid Prison Hospital si Sanchez  pero ideneklarang dead on arrival.

Hindi naman tinukoy ng BuCor kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Sanchez.

Sa ngayon, sumasailalim sa autopsy ang bangkay ni Sanchez.

Matatandaan na noong Setyembre ng nakaraang taon, isinugod sa ospital si Sanchez matapos makaranas ng flu-like symptoms.

Na-convict si Sanchez dahil sa kasong rape at pagpatay sa college student na si Eileen Sarmenta noong 1993.

Nakapanayam pa ng Radyo Inquirer si sanchez at balak sanang mag-pilgrimage sa Israel sakaling makalaya ng kulungan.

Read more...