Hepe ng Lucban police station, sibak sa puwesto dahil sa sexual harassment

Sibak sa puwesto ang hepe ng Lucban, Quezon Police Office matapos ireklamo ng sexual harassment ng isang babaeng pulis.

Ayon kay Police Colonel Ericson Dilag, acting Provincial Director, sibak sa puwesto si Major Rizaldy Merene.

Base sa reklamo ng babaeng pulis, naganap ang sexual harassment noong Marso 25 sa Barangay Wakas sa Tayabas City.

Hindi naman tinukoy sa reklamo kung anong klaseng sexual harassment ang ginawa ni Merene sa babaeng pulis.

Inilipat na si Merene sa Quezon Provincial Holding and Accounting Section sa Camp Nakar, Lucena City.

Pumalit sa puwesto ni Merene si Police Major Lauro Moratillo bilang officer-in-charge ng Lucban police station.

Naisampa na rin ang kasong sexual harassment laban kay Merene sa city prosecutor’s office sa Tayabas City.

 

 

Read more...