319 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP

INQUIRER FILE PHOTO | EDWIN BACASMAS

Aabot sa 319 na kaso ng COVID-19 ang bagong naitala ng Philippine National Police sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa PNP, record-high ito sa kanilang hanay.

Sa kabuuan, nasa 14, 110 na mga pulis ang nag-positibo sa COVID-19.

Sa ngayon, nasa 1,951 ang active cases habang 12, 123 ang nakarekober.

Nasa 36 na pulis naman ang namatay dahil sa COVID-19.

Read more...