Pinagkalooban ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng iba`t-ibang gamit sa pagsasaka tulad ng mga binhi ng palay, pataba, at pestisidyo ang 13 miyembro ng Caranan Farmers Agrarian Reform Beneficiaries Association (CFARBA) sa Bgy. Quitang, Pasacao, at sa 18 miyembro ng Lirag Agrarian Reform beneficiaries Cooperative (LARFBCO) sa Bgy. Lirag, Bula, Camarines Sur.
Nabatid na ang CFARBA ay nakatanggap ng P325,000 halaga ng mga gamit, habang ang LARFBCO ay nakakuha ng P450,000 para sa parehong mga kalakal.
Ayon kay Support services chief Augusto Medina Jr. magsisilbi itong panimulang kapital o panustos para sa kanilang negosyong pangangalakal upang magbigay ng pang-araw-araw na karaniwang ginagamit sa pagsasaka para sa mga maliliit na magsasaka sa kanilang mga komunidad.
“Ang mga magsasaka sa mga lugar na ito ay karaniwang bumili ng kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka sa Poblacion. Ang iba naman ay kailangang maglakbay pa nang malayo sa Naga City upang makahanap ng kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka,” ani Medina.
Ang DAR, sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy na tumutulong sa mga agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa pamamagitan ng Convergence on Livelihood Assistance for ARBs Project (CLAAP) upang ang mga magsasaka ay makapagtatag ng iba`t ibang mga proyektong pangkabuhayan upang madagdagan ang kita ng kanilang pamilya bukod sa kanilang regular na gawain sa pagsasaka.