TRB, inaprubahan ang provisional toll rates sa Skyway Stage 3 Project

Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll rates para sa Metro Manila Skyway Stage 3 Project, araw ng Huwebes (March 25, 2021)

Narito ang provisional toll rates para sa Class 1 vehicles:
– Buendia hanggang Sta. Mesa: P105
– Sta Mesa hanggang Ramon Magsaysay: P30
– Ramon Magsaysay hanggang NLEX Balintawak: P129
– Buendia hanggang NLEX Balintawak: P264

Para sa Class 2 vehicles, doble ang magiging toll rate habang triple naman para sa Class 3 vehicles.

Nilinaw naman ng TRB na ang pagkaka-apruba ng provisional toll rates ay hindi nangangahulugan na awtomatiko nang sisimulan ang pangongolekta ng toll fees.

Mayroon pang kailangang sundin na proseso at requirements bago mailabas ang Toll Operating Permit (TOP) para makapagsimula ng pangongolekta.

Read more...