Ito ang lumabas sa survey ng Pulse Asia na may 2,400 respondents sa buong bansa at isinagawa noong Pebrero 26 hanggang Marso 3.
Ang tanong sa survey,” If there is already a vaccine against COVID 19, will you get vaccinated or not?”
Nabatid na 23 porsiyento ng Filipino adults ang nagsabi na hindi pa sila sigurado kung sila ay magpapabakuna, samantalang 16 ang sumagot na handa silang magpaturok ng COVID 19 vaccine.
Lumabas din sa survey na 84 porsiyento ng mga nagsabing hindi sila magpapabakuna at 74 porsiyento ang iniisip pa kung sila ay magpapaturok ang nagdahilan na hindi sila nakakasiguro sa bakuna.
“This is the majority opinion across areas and classes among those against vaccination (80 percent to 90 percent) and 82 percent to 86 percent, respectively,” ayon sa Pulse Asia.
Marami din sa mga wala pang desisyon ay kabilang sa itinuturing na masa, na prayoridad sa programa.
Samantala, karamihan naman sa Classes ABC ay kinukuwestiyon ang pagiging epektibo ng bakuna laban sa COVID 19.