Base sa inilabas na ulat ng OCTA Research sinabi na may 342 kaso sa Barangay Fort Bonifacio mula Marso 18 hanggang noong nakaraang Miyerkules, Marso 24.
Ngunit pagdidiin ng lokal na pamahalaan may 116 kaso lang sa nabanggit na barangay sa nasabing panahon.
“The 342 cases OCTA stated is the total of all types of cases reported by the laboratories during the said period. This total includes positive cases that have already recovered, cases that turned out to be negative, presumptive positive cases, equivocal cases, inconclusive cases, and those awaiting results of the tests,” paliwanag ng Taguig LGU.
Hanggang noong Marso 24, may 42 actives cases lang sa Barangay Fort Bonifacio.
“At 42 cases per 100,000 population, the barangay is well below the national count of 83 active cases per 100,000 population, and below the National Capital Region number of 158 active cases per 100,000 population,” paglilinaw pa ng lungsod.