Nabakunahan na government health worker tinamaan ng COVID 19, namatay

Pumanaw ang isang municipal midwife sa  San Mateo, Isabela matapos magpositibo sa COVID 19.

Sinabi ni Mayor Gregorio Pua kabilang ang health worker sa mga unang nabakunahan ng proteksyon sana sa COVID 19.

Aniya nagpa-swab pa ang midwife at nalaman na taglay niya ang nakakamatay na sakit.

Hindi pa natutukoy kung dahil sa bakuna o COVID 19 namatay ang biktima.

Hinihintay na lang na makapagsagawa ng masusing imbestigasyon ang DOH sa pangyayari.

Nanawagan na rin ang opisyal ng pang-unawa at pakikiisa sa mga ikinakasang lockdown sa kanilang bayan.

 

Read more...