Pormal nang idineklara ng PAGASA ang tag-init o dry season sa bansa.
Base sa inilabas na pahayag, sinabi ng weather bureau na tuluyan nang natapos ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan sa bansa.
Dahil dito, asahan na ang mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Hindi naman inalis ng PAGASA ang posibilidad na makaranas pa rin ng isolated thunderstorm.
Bunsod nito, inabisuhan ang publiko na iwasan muna ang ilang aktibidad upang makaiwas sa heat stress.
Ugaliin din ang pag-inom ng tubig para maiwasan ang dehydration.
Sa ngayon, Easterlies lamang ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES