Sa mga ikinasang legislative forum at webinars ng Social Watch Philippines, binanggit ni ACT – CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran ang inihain niyang House Bill No. 8763 o Smoke-Free Environment Act na layon amyendahan ang RA 9211 (Tobacco Regulation Act f 2003).
Aniya nais niyang mawala na ang designated smoking areas sa mga establismento at matiyak ang tatlong porsiyentong alokasyon sa Local Health Budget para maipagpatuloy ang tobacco-control programs.
Hiningi na ni Taduran ang suporta ng mga kapwa mambabatas sa katuwiran na lummalawig ang mga pag-aaral sa masamang epekto na dulot ng paninigarilyo, maging ng ‘second-hand smoke.’
Binanggit nito sa isanng pag-aaral na 110,000 Filipino ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na iniuugnay sa paninigarilyo.
Gayundin, base sa Global Youth and Adult Tobaccco survey, 21.5 porsiyento sa mga mga nakakalanghap ng ‘second-hand smoke’ ay nakakatanda, samantalang 54.2 porsiyento ay mga kabataan.
Nagpahayag na ng suporta ang 10 pang miyembro ng Kamara sa nabanggit na panukala.