DPWH, magsasagwa ng weekend road repairs

Magkakasa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road repairs sa weekend.

Apektado nito ang mga sumusunod na kalsada:
– EDSA Southbound, mula Fema Road hanggang sa tapat ng Landers, first lane mula sa sidewalk
– Payatas Road, mula V.V. Soliven hanggang Payatas Bridge, inner lane. (Maaaring dumaan sa Batasan Road ang mga maaapektuhang motorista bilang alternatibong ruta)
– Tandang Sora Avenue, mula Baniat Bridge hanggang Constantino Extension. (Maaaring dumaan sa Mindanao Avenue at Quirino Highway ang mga maaapektuhang motorista bilang alternatibong ruta)

Sisimulan ang pagsasaayos sa araw ng Sabado, March 27, hanggang Linggo, March 28.

Maaari nang daanan ang mga kalsada sa Lunes, March 29.

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.

Read more...