Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa lockdown sa Muntinlupa City.
Ayon Muntinlupa City government, isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine ang St. Anthony Street, JPA Subdivision sa Barangay Tunasan at Amparo Street sa Barangay Poblacion.
Sinimulan ang lockdown bandang 6:00, Biyernes ng umaga (March 26, 2021), at tatagal hanggang 6:00 ng umaga ng April 10, 2021.
Magkakasa naman ang City Health Office ng mass testing sa nasabing lugar at palakasin ang detection, isolation, at treatment strategies.
Mamamahagi rin ang lokal na pamahalaan at barangay ng ayuda sa mga residenteng apektado ng lockdown.
Sa ngayon, nasa apat na komunidad na ang nasa ilalim ng ELCQ sa lungsod.
Pinalalahanan naman ang mga residente na patuloy na sumunod sa health protocols gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, physical distancing, at pagsusuot ng face mask at face shield.