Limang miyembro ng NPA patay sa engkuwentro sa Oriental Mindoro

MANSALAY MPS PHOTO

Nasawi ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army matapos makasagupa ang puwersa ng gobyerno sa Mansalay, Oriental Mindoro hapon ng Huwebes.

Base sa ulat, alas-3 ng hapon nang mangyari ang engkuwentro sa Sitio Kulutob sa Barangay Balugo.

Nabatid na nagsasagawa ang mga tauhan ng 4IB Alpha Coy ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt.Carlo Martinez  ng strike operation sa lugar nang makasagupa ang mga rebelde.

Nang matapos ang palitan ng mga putok, limang rebelde ang nadiskubreng wala ng buhay, samantalang may dalawang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Narekober naman ang isang M-16 rifle na may M203 grenade launcher at dalawang Armalite rifles.

Sumama na sa pagtugis sa mga tumakas na rebelde ang Scout Platoon ng 4IB samantalang nagtatag ng choke points ang Mansalay Municipal Police, 2nd Provincialm Mobile Force Co., at 4IB Charlie Coy ng Philippine Army.

 

Read more...