Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (March 26), pumalo na sa 702,856 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 109,018 o 15.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 9,838 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas sa loob ng isang araw.
95.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.0 porsyento ang asymptomatic; 0.42 porsyento ang moderate; 0.8 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 54 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,149 o 1.87 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 663 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 580,062 o 82.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.