Kasabay nito, sinabi ni Lacson na pinakilos na niya ang kanyang mga tauhan para malantad ang nasa likod ng mga larawan, na nagbibigay impresyon na siya ay namumulitika.
Sa larawan ay mababasa ang ‘PING’ na binigyan kahulugan na ‘Pangulong Iaayos Na muli ang Gobyerno.’
“It is a dirty hatchet job, to put it mildly – being circulated at a time when some propagandists, with the aid of troll farms, are accusing me of politicking by criticizing the handling of the pandemic,” ang pahayag ng senador.
Dagdag pa niya; “Now comes this photo to make it appear that I’m really politicizing the situation – and nothing can be further from the truth.”
Nilinaw din muli ni Lacson na wala pa siyang plano sa eleksyon sa susunod na taon.