Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 126.06 milyon

Pumalo na sa 126.06 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 126,068,887 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 30,774,033 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 12,324,765 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 11,846,652 naman ang kaso sa India habang 4,492,692 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 4,424,087
– United Kingdom – 4,319,128
– Italy – 3,464,543
– Spain – 3,247,738
– Turkey – 3,120,013
– Germany –  2,732,130
– Colombia – 2,359,942
– Argentina – 2,278,115
– Mexico – 2,214,542
– Poland – 2,154,821

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,767,376 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 101,724,317 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...