Halos 15,000 health workers sa QC, nabakunahan na

Nasa 14,819 na ang bilang ng nga nabakunahang healthcare workers sa Quezon City.

Kasama sa nasabing bilang ang 1,100 QCGH healthcare workers ang naturukan ng COVID-19 vaccine; 6,815 frontliners sa Level 1 at Level 2 Public and Private Hospitals.

Narito naman ang mga frontliner na nabigyan ng bakuna sa anim na distrito:
March 22 – 1,775
March 23 – 2,010
March 24 – 1,764
March 25 – 1,355

Patuloy naman vaccination program hanggang sa Biyernes, March 26, 2021 sa anim na vaccination sites:
Dist. 1: Esteban Abada ES
Dist. 2: Batasan Hills Natl HS
Dist. 3: Emilio Aguinaldo ES
Dist. 4: Pinyahan ES
Dist. 5: Kaligayahan Activity Center
Dist. 6: Placido del Mundo ES

Magrehistro lamang sa https://app.ezconsult.io/signup (as patient) kung kasama sa A1 priority group (medical and non-medical personnel working in medical facilities) para sa COVID-19 vaccine.

Read more...