Ayon kay Guevarra, ang 54-anyos na empleado ay nakatalaga sa Witness Protection Program at binawian ito ng buhay kahapon, araw ng Miyerkules.
Dagdag pa niya, kasama ang lalaki sa 17 nakatalaga sa WPP na nag-positibo sa nakakamatay na sakit.
Nabatid na sa kabuuan, 50 kawani ng kagawaran ang nag-positibo sa sakit, isa sa kanila ay gumaling at 47 ang active cases.
Noong nakaraang buwan, isang babaeng empleado ng DOJ ang namatay dahil din sa 2019 coronavirus.
MOST READ
LATEST STORIES