Ang PiliPinas debates 2016 ng mga Vice Presidentiable ay pinangunahan ng Commission on Elections o Comelec at media sponsors na CNN Philippines at iba pa.
Nagsimula ang debate alas-singko ng hapon, sa University of Santo Tomas o UST Quadricentennial Hall.
Present ang lahat ng Vice Presidentiables na sina: Senators Alan Cayetano, Francis Escudero, Gringo Honasan, Bongbong Marcos at Antonio Trillanes, at Congresswoman Leni Robredo.
Maagang dumating sa UST, kung saan ginaganap ang debate, ang mga kandidato, kasama ang kani-kanilang pamilya.
Sina Escudero at Trillanes at nakaputi, si Honasan ay naka-asul, samantalang si Cayetano ay naka-pula.
Si Robredo ay nakasuot ng dilaw na damit, habang si Marcos ay naka-pink.
Kabilang sa mga isyu na pagdedebatihan ay ang kurapsyon, kahirapan, political dynasties, human rights, peace and order, trapiko at iba pang urban problems at foreign policy.