Higit 600 bagong COVID-19 recoveries, naitala sa Maynila

Karagdagang 510 ang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (March 25), sumampa na sa 36,428 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 3,511 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 584 active cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 541 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 662 residente naman ang bagong gumaling at apat ang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 32,045 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 872 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...