Ayon kay Roque, base ito sa pinakahuling RT-PCR test na isinagawa sa kanya.
Hawak na rin ni Roque ang certification of quarantine na nagpapatunay na nakumpleto niya ang 14 na araw na isolation at negatibo na sa COVID- 19.
Ayon kay Roque, isa sa nakikita niyang maaaring iwasan ngayong naranasan na niyang magka-COVID-19 ay ang hindi na pagtapak pa sa mga ospital.
Bago kasi aniya siya nagpositibo sa COVID-19, panay ang ikot niya sa iba’t ibang ospital sa bansa bilang suporta sa national vaccination program ng pamahalaan, at possible aniyang sa isa sa mga ospital na ito niya nakuha ang sakit.
Umaasa naman si Roque na sa Lunes, Marso 29 ay makababalik na siya sa kaniyang opisina sa Malakanyang para sa Presidential briefing at makadadalo na rin sa pulong at Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.