Northeasterly Surface Windflow, Easterlies nakakaapekto sa bansa

Photo credit: DOST PAGASA website

May dalawang weather system na umiiral sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, nakakaapekto ang Northeasterly Surface Windflow sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.

Huwebes ng gabi, March 25, asahan pa rin ang mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands dulot nito.

Umiiral naman ang Easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa.

Bunsod nito, may ilang lugar sa bansa na makararanas ng mga panandaliang pag-ulan.

Sa araw ng Biyernes, March 26, sinabi ni Clauren na magiging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dahil sa Easterlies.

Samantala, wala namang binabantayang sama ng panahon sa loob ng teritoryo ng bansa.

Read more...