Iisa ang birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magdiriwang ang Pangulo ng kanyang ika-76 na kaarawan sa Marso 28.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hangad ng Pangulo na malagpasan ng bansa ang pandemya sa COVID-19 at makabalik na sa normal na pamumuhay ng bawat Filipino.
Ibig sabihin, ayon kay Roque ay maibalik ang napakataas na growth rate taun-taon para matupad ang pangako ng Pangulo na mabigyan ng komportableng buhay ang lahat.
Hangad din aniya ng Pangulo na makabangon ang lahat sa pandemyang ito.
MOST READ
LATEST STORIES