Ayon kay BI Committee on Good Governance Chief Rey Arvin Sevilla, unang ipatutupad ang mas pinaigting na feedback system BI head office sa Intramuros, Maynila at maging sa immigration areas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“This would allow us to gain much needed immediate feedback from the public, as well as eliminate the use of pen and paper, which can contribute to the spread of COVID-19,” pahayag ni Sevilla.
Binubuo ang feedback system ng QR code, kung saan mapupunta sa BI client feedback form, at dito makakapagbigay ang service users ng kanilang pahayag ukol sa natanggap na serbisyo mula sa ahensya.
Tumatalima ang naturang proyekto sa requirements ng Anti-Red Tape Authority.
“This improved feedback mechanism is very timely in the wake of the corruption issues that hound the Bureau,” ani BI Commissioner Jaime Morente at dagdag pa nito, “It would allow the public to immediately report any malpractice that they encounter.”
Kasunod ito ng umano’y pagkakasangkot ng ilang immigration officers sa isang kaso ng human trafficking.
Sinabi ng BI Commissioner na lahat ng sangkot sa maanomalyang aktibidad ay papatawan ng parusa sa ilalim ng batas.
“Alam kong mas marami ang matitinong empleyado ng BI. Do not be disheartened. If you are doing your job with integrity, I recognize you. Let us all move forward and move up, and ensure that we have a clean agency that provides effective public service,” saad nito.
Maliban sa mga natatanggap na negatibong komento, hinikayat ni Morente ang mga nakaranas ng magandang serbisyo na magbigay ng positibong feedback.
“It serves as fuel to drive good and hardworking employees to continue what they do, and can inspire them to improve the quality of their service despite the challenges that the agency is facing now,” ayon kay Morente.