Palasyo, nababahalang tuluyang mawala ang 44-M doses COVID-19 vaccines na matatanggap sana ng Pilipinas mula sa COVAX facility

PCOO photo

Nababahala ang Palasyo ng Malakanyang na tuluyang mawala ang 44 milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility kung ipagpapatuloy ng mga mayor at iba pang government official ang pagsingit sa pila ng mga mababakunahan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw na nakasaad sa kondisyon ng World Health Organization na una sa pila sa pagbabakuna ang health workers.

Limitado pa kasi aniya ang suplay ng bakuna sa ngayon.

Kailangan kasi aniyang maprotektahan ang healthcare system sa bansa laban sa pandemya.

Kung hindi aniya ito masusunod, mawawala ang mga bakunang matatanggap sana ng Pilipinas.

Apela ni Roque, tigilan na sana ng mga pulitiko ang pagpapaunang mabakunahan.

Tiyak din naman aniyang mababakunahan ang local government officials at economic frontliners.

Pero sa ngayon, tanging sa health workers lang muna nakalaan ang mga bakuna.

Read more...