DILG sa mga mayor na sumingit sa pila ng COVID-19 vaccination: “Swerte naman nila”

Swerte naman nila.

Pahayag ito ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III matapos tiyaking makatatanggap pa rin ng second dose ng COVID-19 vaccine ang mga mayor na sumingit sa pila.

Kabilang sa mga pinadalhan na ng show cause order sina sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte; Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Mayor Sulpicio Villalobos ng South Cotabato; Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay; Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan.

“Opo, ibibigay pa rin naman ang second dose so swerte naman nila,” pahayag ni Densing.

Kasong administratibo aniya ang kakaharapin ng mga mayor kapag nabigong i-justify ang pagsingit sa pila ng vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Densing, isang buwang suspensyon o pagkatanggal sa serbisyo ang maaring kaharapin ng mga lokal na opisyal na sumisingit sa pila.

Read more...