Kasabay ito ng pahayag ng Korte Suprema na ikinukunsidera na nila ang paglalabas ng direktiba sa paggamit ng body cameras sa pagsisilbi ng warrants.
Sinabi ni Recto na ang pahayag ay dapat din bigyan pansin na ng Deparment of Budget at DILG, kayat dapat ay ikunsidera na ito sa paghahanda ng kani-kanilang 2022 budget.
Sabi naman niya sa PNP dapat isama na sa kanilang ‘shopping list’ sa susunod na taon ang body cameras.
Pinansin ni Recto na ngayon taon, wala sa pondo ng pambansang-pulisya ang pagbili ng body cameras.
Sa nakalipas na apat na taon, 2,600 body cameras lang ang nabili ng PNP.
MOST READ
LATEST STORIES