Ito ang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra at aniya ang hiling ng Simbahan ay payagan sila kahit 10 porsiyento ng kapasidad ng mga simbahan mula sa Huwebes Santo (Abril 1) hanggang Sabado de Gloria (Abril 3).
Gayundin sa Pasko ng Pagkabuhay (Abril 4), kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Epektibo ang NCR Plus bubble hanggang Abril 4 at sakop nito ang Metro Manila, Rizal, Laguna at Cavite.
Sa pagpapalabas ng resolusyon ng IATF, epektibo noong nakaraang Marso 22, ipinagbabawal ang anumang pagtitipon sa Simbahan.
Binalaan na rin ni Presidential spokesperson Harry Roque ang Simbahan na kailangan nilang sumunod sa direktiba dahil aniya handa ang gobyerno na gamitin ang ‘police power’ para ipatupad ito.