Biniling 1M Sinovac, darating na sa susunod na linggo – Sen. Go

Inanunsiyo ni Senator Christopher Go na sa darating na Lunes, Marso 29, inaasahang darating na sa bansa ang biniling isang milyong Sinovac vaccines.

Ginawa ni Go ang anunsiyo sa turn-over ceremony ng 400,000 Sinovac doses na donasyon ng gobyerno ng China sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Pagtitiyak pa ng senador na walang delay sa ikinakasang vaccine rollout dahil marami pang bakuna ang darating hanggang sa kalahati ng taon base sa National Vaccine Roadmap.

“We are simply complying with the necessary processes, aligned with the agreed schedule, as negotiated with our international partners,” sabi pa nito.

Muli rin niyang iginiit na nananatiling medical frontliners ang unang prayoridad sa mga dumadating na bakuna sa katuwiran na rin na kailangan nila ng dagdag proteksyon sa pagharap nila sa nakakamatay na sakit.

Read more...