Binigyan na ni Mayor Isko Moreno ng awtorisasyon ang mga barangay chairman sa Maynila na magdeklara ng lockdown depende sa kondisyon ng kani-kanilang nasasakupan.
Pinirmahan ng alkalde ang Executive Order No. 12, araw ng Miyerkules (March 24).
Sa ilalim nito, maaaring magdeklara ang barangay chairman ng lockdown sa lugar na nasasakupan kung mayroong 10 COVID-19 active cases are 10 o higit pa.
“Within three (3) hours from its issuance, the Order placing the barangay, or portion thereof, under Critical Zone Containment shall be forwarded to the City Mayor for his confirmation,” nakasaad sa EO.
“The Punong Barangay shall give a two-day prior notice to his constituents and businesses/other stakeholders operating in the barangay,” dagdag pa nito.
Kailangan namang iberipika ng Manila Health Department ang bilang ng COVID-19 active cases bago makapagsimula ng lockdown sa barangay.
Sa kasagsagan ng lockdown, ipagbabawal sa mga residente sa barangay ang paglabas sa bahay maliban lamang sa health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services), barangay officials (Chairpersons, Barangay Secretary, Barangay Treasurers, Kagawads, at Executive Officers), at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force.
“Station Commanders of Police Stations covering the said barangays are hereby directed to employ and deploy officers and personnel in strategic locations and areas necessary for the effective implementation of the ECQ,” base pa sa EO.
Sa ngayon, nakasailalim sa apat na araw na lockdown ang 29 barangay, isang street, at isang cluster lockdown sa lungsod.
Sa huling datos hanggang March 24, 2021 nasa 3,667 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.