Ayon kay ECY Executive Secretary Fr. Conegundo Garganta nasa 1,000 na delegado mula sa iba’t ibang parishes at mga youth organizations na aabot sa 300 naman mula sa CBCP-ECY ang inaasahang pupunta na sa naturang pagtitipon na tradisyunal na dinadaluhan ng Santo Papa.
Dagdag pa ni Garganta na hinihintay nila mula sa Polish consulate ang pag-issue ng mga dokumento at ang ipapatupad na proseso sa visa application.
Ipinanawagan din ni Garganta sa mga delegado na isabuhay ang tema ng 28th WYD na in line sa Extraordinary Jubilee Year of Mercy ng simbahan.
Sinabi ng organizers ng World Youth Day ay partikular na mahalaga dahil ito ay gaganapin sa Krakow, ang hometown ng isa sa pinapopular na santo ngayong henerasyon na si Saint Pope John Paul II.