Bohol, under state of calamity na dahil sa labis na tagtuyot

Bohol_panglaoIdineklara na ang state of calamity sa lalawigan ng Bohol dahil sa pagkasira ng hindi bababa sa tatlong daang milyong pisong panananim doon, dulot ng El Niño phenomenon.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang rekumendasyon ng the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na isailalim sa state of calamity ang probinsya ng Bohol upang magkaroon na ito ng access sa calamity funds.

Ayon kay Larry Pamugas, assistant provincial agriculturist, apat na buwan nang apektado ng matinding tagtuyot ang Bohol.

Aniya, mahigit labing isang libong ektaryang ng sakahan at maisan ang nasira dahil sa tagtuyot.

Ang masaklap, walang ulan na naranasan ang Bohol mula pa noong Enero, kaya nasira ang mga pananim.

Sinabi ni Pamugas na mahigit apatnapung libong magsasaka mula sa dalawampu’t piyong bayan sa Bohol ang nakararanas ngayon ng gutom at kawalan ng pagkakakitaan.

Ang sektor ng agrikultura ang pangunahing source of employment o pangkabuhayan ng mga residente ng Bohol.

 

Read more...