Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (March 24), pumalo na sa 684,311 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 91,754 o 13.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,666 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.5 porsyento ang asymptomatic; 0.46 porsyento ang moderate; 0.9 porsyento ang severe habang 0.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 47 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,039 o 1.91 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,072 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 579,518 o 84.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.