Tuluy-tuloy ang konstruksyon ng Common Station project, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ng kagawaran na nasa 48.48 porsyento na ang overall progress rate ng naturang proyekto.
Ito ay 13,700-square meter concourse area na magkokonekta sa rail lines ng LRT-1, MRT-3, MRT-7, at ng ginagawang Metro Manila Subway.
Target matapos ang proyekto sa buwan ng Disyembre taong 2021.
Makatutulong ang transport infrastructure project sa mga commuter sa Metro Manila.
Sa ngayon, 100 porsyento nang kumpleto ang konstruksyon ng Area B (Atrium) ng Common Station.
24/7 naman ang konstruksyon sa iba pang bahagi ng proyekto.
Oras na maging operational, inaasahang makakapagserbisyo ang Common Station sa mahigit 478,000 pasahero kada araw.
MOST READ
LATEST STORIES