Sa ulat ni Francis Ochoa, sports assistant desk editor ng Philippine Daily Inquirer, sinabi nito na maagang gumising sa Pacquiao para isagawa ang ilang ritwal.
Kabilang dito ang bible service bago ang kanyang boxing match kay Bradley.
Pagkatapos nito, sinabi ni Ochoa na magpapahinga ng saglit si Pacquiao sa kanyang suite upang maihanda ng husto ang katawan at isip para sa laban sa ring.
Ayon kay Ochoa, pumapasok na rin ang weekend crowd kaya inaasahan na mabibili pa ang iba pang tickets sa trilogy nina Pacquiao at Bradley.
Samantala, present ang pamilya ni Pacman sa Las Vegas, sa pangunguna ng misis nito na si Jinkee at ina na si Mommy Dionisia.
Inaabangan din aniya kung may darating na politico, lalo’t batay sa reports, may ilang top officials ng partido ni Pacquiao na United Nationalist Alliance o UNA ang manunuod sa boxing match.