Nais ni Senator Risa Hontiveros na ideklara ng Department of Labor and Employment na ‘occupational disease’ ang COVID 19.
Ito aniya ay para magkaroon ng insurance at iba pang benepisyo ang mga manggagawa alinsunod sa Employees Compensation Act at Employees Compensation Program.
“Workplaces and mass transportation are the new ‘hot spots’ of virus transmission. Dapat nang aksyunan ng gobyerno ang panawagan na gawing ‘occupational disease’ ang COVID-19 to ensure that the workers who will contract the disease while at work or in transit will be compensated under the national policy for employment injury benefits,” aniya.
Paliwanag pa ng senadora kapag naituring ng work-related disease ang COVID 19 maari ng magkaroon ng medical benefits, compensation for lost income, maging burial assistance kapag namatay ang manggagawa o empleado.
Pansin niya marami na ang nagbalik trabaho ngunit patuloy naman na tumaaas ang kaso ng pagkakahawa-hawa sa sakit at ang ikinababahala niya ang makuha ng empleado ang sakit sa kanyang pagbiyahe papasok o pauwi mula sa trabaho.