Bagong variant ng COVID-19 malalagpasan ng Pilipinas – Sec. Harry Roque

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na mapagtatagumpayan ng pamahalaan na mapababa ang pagkalat ng bagong variant ng Covid 19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil ginagamit ng pamahalaan ang pinakamagagaling na talino at talento ng mga Filipino na bumubuo sa Inter Agency Task Force.

Ipinagtanggol ni Roque ang IATF sa gitna ng panawagan ni Senador Imee Marcos na buwagin na ito dahil dapat daw ay mga medical experts ang bubuo dito at hindi mga military officers.

“Itong pagtaas po ng kaso dahil nga sa new variants, pagsubok po iyan, pero malalampasan po natin iyan because we are using the best talents and minds that we have in the entire government machinery para labanan nga po itong COVID-19,” pahayag ni Roque.

Ilan sa mga bagong variant ng COVID 19 ngayon ang UK variant, Brazilian variant, South African variant at iba pa.

” Kaya nga po maraming mga grupo na nagbibigay suhestiyon, ang sinasabi ko, we welcome all suggestions, pero intindihin naman ninyo walang makakapantay pagdating sa human capital ng IATF. Dahil buong bureaucracy ng gobyerno ay nagsama-sama po para sa ating response sa COVID-19. At iyong ranking natin sa buong mundo shows na contrary sa mga sinasabi nila na palpak ang IATF – nagtagumpay po tayo at magtatagumpay pa rin,”  pahayag ni Roque.

Read more...