Dahil sa muling pagtaasng kaso ng COVID 19 sa bansa, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi na nakakasabay ang tila pupugak-pugak na Inter Agency Task Force (IATF).
Aniya maaring hindi na kakayanin pa ng ‘change oil’ lang kundi dapat palitan na rin ang makina.
Hindi naman hinihingi ni Recto ang paglusaw sa task force ngunit aniya dapat ay palitan na sina Sec. Carlito Galvez Jr., at Health Sec. Francisco Duque III.
Nilinaw din ng senador na maari pa rin naman maging bahagi ng IATF ang dalawang kalihim ngunit iba na ang ibigay sa kanilang mga responsibilidad.
“It is time to expand the membership of IATF, to include those in private business with superb managerial skills, such as those who have been running companies with a million moving parts with efficiency and precision,” sabi pa ni Recto.
Dagdag pa niya; “Kung may reinforcement man sa IATF, huwag lang po sana MDs–mga Military Dati–kasi quota na po ang sector na ito.”
Sa kanyang palagay, dapat palitan na ang driver ng pagharap ng gobyerno sa pandemya.