Iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na dapat noon pa binuwag na ang Inter-Agency Task Force o IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ito ayon sa Makabayan bloc ay kasunod ng mga panawagan na lusawin na ang IATF dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Noon pa man ayon sa grupo ay ay iginiit na nila na dapat ay mga medical experts at scientist ang mangunguna sa IATF .
Gayunman, ang mga miyembro ng IATF ay masyadong nagmagaling at nagmarunong lamang.
Kaya hindi na anila nakapagtataka kung humantong ang bansa sa sitwasyon ngayon kung saan dumarami na naman ang mga kaso ng COVID-19.
Nauna nang nanawagan Makabayan Bloc na alisin sa IATF ang mga dating miyembro ng militar, upang mapalitan ng mga tunay na eksperto sa medisina at public health.