Occupancy rate sa mga public at private hospital sa Pasig, nasa 93 porsyento na

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Twitter

Nasa 93 porsyento na ang occupancy rate ng mga pampubliko at pribadong ospital sa Pasig City.

Base ito sa datos hanggang 6:00, Martes ng umaga (March 23).

“Our public and private hospitals are near capacity again. Feels like July 2020 again,” pahayag ni Mayor Vico Sotto.

Hinikayat ng alkalde ang publiko na makipagtulungan kabilang ang pag-iwas na lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

“If you have extra money, ordering food/goods for delivery helps the economy while you stay safe,” dagdag pa nito.

Noong March 22, 2021 inanunsiyo ng The Medical City na umabot na sa full capacity ang kanilang COVID-19 ER, floors at ICU units.

Photo credit: The Medical City/Facebook

Read more...