Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkaroon ng partial opening ang Sta. Monica-Lawton Bridge sa May 2021.
Ang nasabing tulay ay bahagi ng Bonifacio Global City (BGC)-Ortigas Road Link Project.
“The Department of Public Works and Highways (DPWH) targets to partially open this May 2021 the Sta. Monica-Lawton Bridge which is a major component of the BGC-Ortigas Road Link Project,” base sa inilabas na pahayag ng DPWH.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, tapos na ang konstruksyon ng Sta. Monica-Lawton Bridge, na nagkokonekta sa Sta. Monica Street sa Pasig City at Lawton Avenue sa Makati City.
“With a few more needed finishing works, we’re very excited to partially open a new connectivity between Bonifacio Global City and Ortigas business districts to the public by the second quarter,” dagdag ng kalihim.
Base sa report kay Villar, sinabi ni ni DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil Sadain na maliban sa finishing touches, ginagawa na rin ng UPMO Roads Management Cluster 1 ang rehabilitation at widening sa bahagi ng Brixton Street (corner Reliance Street) hanggang Fairlane Street.
Ang 1.367-kilometer Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project, kasama ang Lawton Avenue – Global City Viaduct, ay inaasahang matatapos sa September 2021.
Inaasahang makatutulong ang proyekto upang maging mabilis ang biyahe sa pagitan ng Pasig, Mandaluyong, Taguig at Makati.
Maliban dito, mababawasan din ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA at C-5.
Oras na matapos ang proyekto, mula sa isang oras, magiging 12 minuto na lang ang biyahe sa pagitan ng BGC at Ortigas business districts.