Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 23, nasa 16,006 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 89 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,257 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya 9,702 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,047 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,884 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,217 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 901 naman ang kaso sa Americas at 3,004 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.