Nagpositibo sa B.1.1.7 variant o UK variant ng COVID-19 ang isang residente sa Umingan, Pangasinan.
Ayon kay Umingan Mayor Michael Carleone Cruz, nagsagawa ang University of the Philippines-Philippine Genome Center ng Whole Genome Sequencing sa kinuhang sample sa “Umingan Case 35” noong March 3.
Inilabas aniya ang resulta sa Department of Health noong March 19.
Kasunod nito, mahigpit na pinaalalahanan ang mga residente sa nasabing lugar na sumunod sa standard health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, maghugas ng kamay, gumamit ng alcohol at physical distancing.
Ito ang unang kaso ng UK variant sa naturang probinsya.
READ NEXT
Pang. Duterte, kakausapin ang Chinese envoy ukol sa presensya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef
MOST READ
LATEST STORIES