Pang. Duterte, kakausapin ang Chinese envoy ukol sa presensya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef

PCOO photo

Kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa presensya ng 220 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang bagay ang hindi napag-uusapan ng magkakaibigang bansa.

Malinaw aniya ang pahayag ng Pangulo na gagawin niya ang pakikipag-usap sa Chinese Ambassador para malinawan ang isyu.

Matatandaang naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs dahil sa presensya ng mga barko ng China na hinihinalang mga militia.

Pero sa pahayag ng China, sinabi nitong nakisilong lamang ang kanilang mga barko dahil sa masama ang lagay ng panahon.

Read more...