Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (March 23), pumalo na sa 677,653 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 86,200 o 12.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,867 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.3 porsyento ang asymptomatic; 0.49 porsyento ang moderate; 0.9 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 20 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,992 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 620 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 578,461 o 85.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.